-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng isang overseas Filipino worker (OFWs) na pinaghahanap ng gobyerno ng South Korea ang pito katao na pinaniniwalaang nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa report ni Bombo International correspondent in South Korea Archie Gaamil, may ilang mga Pinoy ang kabilang sa pinaghahanap ng mga otoridad sa Seoul, South Korea.
Aniya, nababahala ang South Korean government dahil malaki ang kanilang paniniwala na nakakahawa na ito sa libo-libo katao sa nasabing lugar.
Napag-alaman na base sa pinakahuling talaan, ang South Korea ay may 256 deaths habang 10,822 ang total cases.