-- Advertisements --

Hinimok ang mga Pilipino sa Kuwait na mag-avail ng visa amnesty program ng gobyerno ng Kuwait, isang inisyatibo na nagpapahintuloy sa mga mayroong nagpasong visa na gawing regular ang kanilang pananatili o pag-alis ng walang binabayarang penalties.

Magtatagal ang programa mula March 17 hanggang June 17 ng kasalukuyang taon.

Sinabi naman ni Kabayan party-list Representative Ron Salo na nakikipag-ugnayan na ang kaniyang opisina sa DMW para matulungan ang mga Pilipino sa Kuwait na makapag-avail ng amnesty program.

Una rito, nagpatupad ang PH ng deployment ban sa Kuwait para sa first time household service workers noong pebrero 2023 kasunod ng pagpatay sa 35 anyos na OFW na si Jullebee Ranara.