Binigyang-diin ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na direktang makikinabang ang mga Pilipino sa mga prayoridad na panukalang tatalakayin sa espesyal na sesyon ng Kongreso.
Kabilang sa mga panukala ang pagpapalawak ng tulong sa edukasyon, mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa mga senior citizen, at tulong para sa mga pamilyang dumaranas ng krisis.
Ayon kay Dy, layunin ng mga panukalang ito na mas mapalapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga nangangailangan, lalo na ang mga estudyante, senior citizen, at mahihirap na pamilya.
Ipinagmalaki naman ni inulit ni Speaker Dy, naaprubahan na ng Kamara ang mga panukalang ito at umaasa silang maisasabatas agad upang makinabang ang mas maraming Pilipino.
Una rito nagpatawag ng speacial session si Pangulong Ferdinand Marcos sa Senado para tugunan ang mga priority bills ng administrasyon na nakatakda bukas June 17,2026.










