-- Advertisements --
image 46

Isa ang mga Pilipino sa pinakapaboritong turista sa taiwan dahil hindi matipid sa paggastos ang mga Pinoy kapag naglalakbay ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Maynila.

Kaugnay nito, hinimok naman ni TECO Representative Peiyung Hsu ang mas marami pang mga Pilipino na bumisita sa Taiwan at samantalahin ang pagkakataon para sa visa-free entry program na magtatagal hanggang Hulyo 31, 2023 kasunod ng muling pagbubukas ng kanilang border at pagluluwag ng kanilang protocols mula sa covid-19 pandemic.

Ang visa-free entry scheme para sa mga Pilipino ay muling ibinalik noong Setyembre ng nakalipas na taon at nakatakdang i-reevaluate para palawigin pa bago matapos ang July 2023.