-- Advertisements --
mga tao

Iba-iba ang naging opinion ng mga Pilipino sa halaga ng benepisyo na maaari nilang makuha mula sa Maharlika Investment Fund, ayon sa survey ng Social Weather Station.

Ayon sa poll ng Social Weather Station ay nagpakita na 51% sa mga Pinoy ay inaasahan ang maliit o walang benepisyo mula sa sovereign wealth fund.

Ang porsyentong ito ay binubuo ng 37% na nakakakita ng kaunting benepisyo at 14% na halos walang nakikitang benepisyo.

46% ang umaasa sa benepisyo mula sa MIF.

32% naman ang umaasa ng bahagya at 15% ang nagsasabi na lubos sa silang umaasa sa napakalaking benepisyo ng naturang bill.

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na ang MIF —ang pinakaunang sovereign wealth fund ng Pilipinas—ay inaasahang magiging operational bago matapos ang taon.

Kung matatandaan, nagpahayag si Diokno ng optimismo na ang Maharlika Fund bill, matapos itong aprubahan ng Kongreso, ay lalagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago siya maghatid ng kanyang ikalawang State of the Nation Address sa Hulyo 24.

Una nang kinumpirma ng Malacañang na natanggap na nito ang panukalang MIF bill.