-- Advertisements --

Inanunsiyo ng organizers ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang walong opisyal na pelikula na kalahok sa kauna-unahang summer film festival.

Sa 33 na pelikulang naisumite ay 23 dto ay mga bago habang mayroong 10 ang muling naisumite noong 2022 MMFF sa buwan ng Disyembre.

Ito na aniya ang pinakamaraming entry sa kasaysayang ng MMFF.

Pinangunahan ni MMFF 2022 Selection Commitee Chairman Boots Anson Roa-Rodrigo at MMDA Acting Chairman and MMFF Over-all Chair Atty. Artes ang pag-anunsiyo ng mga opisyal na kalahok.

Ang mga pelikula na kalahok ay kinabibilangan ng “About Us But Not About Us” na pinagbibidahan ni Romnick Sarmienta at Elijah Canlas; “Apag” na pinagbibidahan nina Coco Martin, Lito Lapid, Jacklyn Joe; “Here Comes The Groom” nina Keempee de Leon, Enchong Dee at Mars Racal; “Kahit Maputi Na Buhok Ko” nina RK Bagatsing at Meg Imperial; “Love You Long Time” nina Carlo Aquino at Eisel Serrano; “Single Bells” nina Alex Gonzaga at Aljur Abrenica; “Unravel: A Swiss Love Story” nina Gerald Anderson at Kylie Padilla at ang pelikulang “Yung Libro Sa Napanood Ko” nina Bella Padilla at Yao Min-Gan.

Gaganapin naman ang Parade of the Stars sa Abril 2 sa lungsod ng Quezon habang ang awards night ay sa Abril 11.