-- Advertisements --
ozamis port

Libu-libong manlalakbay ang dumagsa sa mga daungan ngayong araw sa bisperas ng Undas o All Saints’ Day at All Souls’ Day ngayong taon.

Inaasahang bibisitahin ng mga manlalakbay ang kanilang mga yumao sa mga sementeryo o magbakasyon.

Batay sa monitoring ng PCG, aabot na sa 26,000 ang mga outbound passengers at aabot na sa 23,000 ang inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

Idinagdag nito na libu-libong mga tauhan ng PCG ang nag-inspeksyon sa 258 sasakyang-dagat at 202 motorbancas.

Sinabi ng PCG na ang heightened alert sa mga distrito, mga stations, at sub-station nito ay tatagal hanggang Nobyembre 6 upang pamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.

Sa ngayon, umaasa ang PCG na dagdagsa pa rin ang mga pasahero hanggang bukas ng umaga para humabol na makauwi ng kani-kanilang mga probinsiya.