-- Advertisements --

NAGA CITY- Nabigla ang mga pasahero sa isang tren sa Tokyo, Japan na hahantong sa isang insidente ang pagdumog ng mga party-goers sa lungsod para sa halloween gatherings.

Mababatid na aabot sa 17 pasahero ang naitalang nasugatan nang sabuyan ng fluid ng isang 25-anyos na suspek na nag-costume ng “Joker” sa pelikulang Batman.

Sa report ni Myles Beltran, ang Bombo International News Corresponent sa Japan, isa ang nasabing bansa sa mga dinadayo ng mga turista tuwing araw ng halloween dahil sa mga ginagawang costplay sa lugar.

Subalit, kakaiba umano ang nangyari sa loob ng Keio tren matapos na manaksak ang mala-joker na suspek ng isang 71-anyos na lalaki.

Nang dahil sa pagiging normal nang nasabing okasyon, inakala ng ilang mga pasahero na “props” lamang sa halloween ang dugo ng biktima.

Saka lamang umano nagpanic ang mga pasahero nang sumiklab na ang sunog na ginawa mismo ng suspek.

Samantala, ayon kay Beltran, nais kasi ng suspek na mahatulan ng death pernalty kung kaya ginawa nito ang nasabing pag-atake.