-- Advertisements --
OFW NAIA stranded COVID quarantine passengers

Nagdulot ng pagkaantala ng ilang oras para makababa ang mga pasahero matapos lumapag ang sinasakyang eroplano sa Ninoy Aquino Internatioanal Airport (NAIA) Terminal 1 dahil pa rin sa mandatory swab test na isinasagawa ng Philippine Coast Guard (PCG).

Karamihan sa mga pasahero na seafarers ay mula sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE).

Matapos ang sunod-sunod na pagdating ng mga pasahero ay pinigilan muna silang bumaba sa eroplano para mapanatili ang social distancing sa loob ng paliparan kung saan isinasagawa ang swab test sa mga parating na Pinoy sa bansa.

Ilan sa mga pasahero ay dinala sa isang holding area habang hinihintay na sila na ang susunod na isa-swab test.

Tuloy-tuloy naman ang isinasagawang swab test ng PCG bago umuwi ang mga Pinoy na nakatengga pa rin sa Terminal 1.

Samantala, sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong araw ay mayroong 59 na kumpirmadong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa mga Pinoy na nasa ibayong dagat habang 10 naman ang nakarekober.

Sa ngayon, lumobo na sa 8,974 ang total covid case at 3,020 naman ang kasalukuyang ginagamot.

Sa naturang bilang, nasa 5,321 ang mga nakarebor habang 633 ang mga namatay.