-- Advertisements --
British
British Airlines/ Twitter post

Agad na pinalabas ang mga pasahero ng British Airways mula London patulong Spain matapos na napuno ng usok ang cabin nito.

Ayon sa British Airways, nagkaroon ng technical issue ang kanilang BA422 flight mula Heathrow papuntang Valencia.

Mayroong 175 na pasahero ang nasabing eroplano at tatlo sa mga ito ay dinala sa pagamutan dahil sa pananakit ng dibdib.

Nagsuot naman ng oxygen mask ang dalawang piloto at anim na cabin crew kaya ligtas na lumapag ang eroplano.

Pinaliwanag naman ng airline company na kaya walang oxygen mask ang mga pasahero ay dahil hindi ito ligtas na gamitin tuwing may sunog.

Inaalam na ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog sa eroplano.