Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga pampublikong paaralan na magsagawa ng unannounced fire at earthquake drills dalawang beses sa isang buwan.
Inisyu ng ahensiya ang naturang paalala kasabay ng pag-obserba sa Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso kung saan ang pagsasagawa ng drills ay mandato niya sa kada una at ikatlong linggo ng buwan sa ilalim ng DepEd Order No. 053 series of 2022.
Dagdag dito, ang mga state and local universities and colleges (SUCs/LUCs), community learning centers at private schools ay hinihikayat na sundin ang nasabing department order.
Binigyang diin din ng DepEd sa naturang kautusan na dapat panatilihing ligtas mula sa anumang panganib dulot ng sunog, lindol at iba pang mga kalamidad ang kanilang mga mag-aaral, mga personnel at paaralan sa pamamagitan ng epektibong paghahanda at simulation exercises.