-- Advertisements --

Na-relocate na ng mga kinauukulan ang mga illegal settlers na maaapektuhan ng konstruksyon ng North-South Commuter Railway project.

Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Transportation Secretary Jaime Bautista ang pagsasagawa ng relocation para sa mga pamilyang maaapektuhan ng naturang proyekto.

Ayon kay Philippine National Railway chairman Michael Macapagal, ang naturang mga apektadong residente ay inilipat din sa kaparehong lalawigan kung saan sila nagmula.

Isa kasi aniya ang lugar ng relocation site sa mga concern ng mga residente kung saan ang mas pinipili aniya ng mga ito na malipat sa mga lugar na malapit sa kanilang mga original na pinanggalingan dahil na rin sa kanilang mga kabuhayan.

Bukod dito ay sinabi rin ng opisyal na kasalukuyan pa rin nagpapatuloy ang kanilang ginagawang talakayin hinggil sa usapin ng financial compensation para sa mga ito.

Ngunit kasalukuyan na rin aniyang nagsimula na ang housing agencies ng pamahalaan para sa kanilang alternative settling facilities partikular na sa Metro Manila at Laguna.

Samantala, kaugnay nito ay nagpahayag naman ng kumpiyansa si Macapagal na agad na matutugunan ang right of way issues sa pagsisimula ng limang taong konstruksyon ng North-South Commuter Railway project.