-- Advertisements --

Walang anumang nakitang pinsala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga paliparan matapos ang pagtama ng magnitude 6.1 na lindol sa Davao Region.

Sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na ligtas sa anumang bitak o pinsala ang Mati Airport, Davao International Airport at maging ang General Santos Airports.

Lahat aniya ng mga runways at mga nakatayong gusali sa mga nabanggit na paliparan ay ligtas.

Matapos ang isinagawa nilang inspeksyon ilang oras mula ng tumama ang lindol ay naibalik na rin sa normal ang operasyon ng paliparan.