-- Advertisements --
Nakaranas ng pagkaantala ng flights ang dalawang paliparan sa Britanya.
Ito ay matapos nagkaroon ng problema sa radar system.
Sinabi ng National Air Traffic Services (NATS) na ginagawa nila ang kanilang makakaya para tuluyang maibalik sa normal ang serbisyo nila sa Swanwick, southern England.
Maging ang Heathrow at Gatwick airport ang tinaguriang busiest airport ay nakaranas din ng aberya.
Itinuturong dahilan ng pagkasira ng radar ay ang nararamdamang init ng panahon sa Europa.