-- Advertisements --
Inaalerto ang Southern Tagalog, Metro Manila at mga karatig na lugar dahil sa maghapong makulimlim hanggang sa may mga biglaang ulan dahil sa low pressure area (LPA) na dating bagyong Auring.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 105 km sa silangan ng Infanta, Quezon.
Inaasahang magpapatuloy ang pataas na takbo ng namumuong sama ng panahon, kaya maaari ring abutin ng ulan ang Central at Northern Luzon.
Maliban dito, magdadala rin ng ulan at malamig na hangin ang amihan, lalo na sa extreme Northern Luzon.