-- Advertisements --

Mga pag-ulan patuloy na bubuhos ngayong Araw ng Kalayaan ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inaasahang magiging maulan ngayong araw ng Kalayaan sa halos lahat ng bahagi ng bansa dahil parin sa nararanasang epekto ng habagat (southwest monsoon) at isang low pressure area (LPA) na may mataas na posibilidad na maging bagyo sa loob ng 24-oras, ayon sa state weather bureau.

Ang LPA ay huling namataan 235 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan. Dahil dito, asahan na ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Batanes at Cagayan.

Ayon pa sa weather bureau, ang mga cloud cluster na dulot ng habagat ay magdadala ng pag-ulan sa maraming lugar sa bansa.

Bagama’t wala pang direktang epekto sa bansa ang bagyong Wutip na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility, pinayuhan naman ang publiko, lalo na ang mga lalabas para sa mga dadalo ng pag-diriwang ng Araw ng Kalayaan na magdala ng panangga sa ulan at mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.