-- Advertisements --
Papayagan na ng China ang pagbubukas ng mga paaralan sa Shanghai sa buwan ng Hunyo.
Ang nasabing hakbang ay bahagi ng pagiging maluwag na ng Chinese government sa COVID-19 restrictions.
Kinakailangan lamang na sumailalim ang mga mag-aaral sa araw-araw na COVID-19 testing.
Mula kasi noong Marso 12 ay isinara ang mga paaralan dahil sa tumaas ang kaso ng COVID-19.