-- Advertisements --

Ipinagbawal sa France ang pagsasagawa ng mga outdoor public events dahil sa nararanasang record-breaking heatwave.

Umaabot kasi sa mahigit 40 degree celcius ang init na nararanasan sa ilang bahagi ng France.

Ilang mga concerts at public gatherings ang kinansela na sa Bordeaux.

Maraming mga eksperto ang nagsabi na nagiging madalas na at matagal ang heatwave dahil sa epekto na rin ng global warming.