-- Advertisements --

Binigyan ng Pakistani officials ng 24 na oras si dating Prime Minister Imran Khan na isuko ang kaniyang mga supporters na responsable sa pag-atake sa gusali ng kanilang sundalo.

Ayon kay Punjab province information minister Amir Mir, nakakuha sila ng impormasyon na mayroong 30 hanggang 40 na mga terorista ang sangkot sa insidente ng atake sa army building at ilang mga installations.

Nagtatago umano ang mga ito sa Zaman Park sa upmarket Lahore kung saan nakatira si Khan.

Sakaling hindi boluntaryong isuko ni Khan ang mga suspek ay mapipilitan na ang mga kapulisan na lusubin ang kaniyang bahay.