Alec Baldwin Halyna Hutchins 1
-- Advertisements --

Nakatuon ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa gun protocol sa naganap na pamamaril gamit ang prop gun ng actor na si Alec Baldwin na ikinasawi ng cinematographer na si Halyna Hutchins at ikinasugat ni assistant director nito.

Ang nasabing baril na nagamit sa aksidente ay ipinasakamay na sa kapulisan.

Ayon sa mga kapulisan na handa umanong makipagtulungan si Baldwin sa kanila.

Magugunitang bukod kay Hutchins na nasawi ay nagtamo ng sugat sa katawan ang director na si Joel Souza.

Nangyari ang insidente habang ginagawa ang pelikulang “Rust”.

-- Advertisement --