Tiniyak ng Department of Health na handa ang mga ospital sa Western Visayas sa gitna ng pangamba ng publiko sa posibleng muling pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa rehiyon dahil sa Arcturus o XBB.1.16 Omicron sub-variant.
Tatlo ang panibagong naitalang kaso ng Arcturus sa rehiyon kung saan isa ang nasa Iloilo, isa sa Guimaras, at isa sa Bacolod City.
Ito ay maliban pa sa 16-anyos na pasyente sa Iloilo na una nang nagpositibo sa naturabng sub-variant.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Mary Jane Juanico-Esteva, Medical Officer 1V ng Department of Health Region 6, sinabi nitong vaccinated, asymptomatic, at naka-recover na ang mga pasyente.
Kinumpirma rin nito na may local transmission na ng Arcturus sa Western Visayas.
Una nang sinabi ng ahensya ng lack of linkages sa XBB.1.16 o Arcturus cases ang dahilan sa pag-deklara ng department na may nangyayari nang local transmission.
Nananawagan rin ang Department of Health sa publiko na magpabakuna na at panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols.