Naghahanda na ang mga opisyal at mamamayan ng East Coast sa Estados Unidos dahil sa inaasahang “Winter Storm Gail.”
Aabot kasi sa 40 million katao ang maaapektuhan sa pagdating ng winter storm at aabot sa 1,000 milya ang lawak nito.
Itinuturing ni New York City Mayor Bill de Blasio na isa itong pinakamalaking bagyo matapos ang ilang taon.
Bagamat bukas ang mga kainan ay pinayuhan niya ang mga ito na alisin ang mga structures para sa pagtanggal ng makapal na yelo.
Pinaghahanda rin ni New York Governor Andrew Cuomo ang mga state agencies para sa pagbuhos ng makapal na niyebe.
Inaasahan naman ni New Jersey Governor Philip Murphy na maapektuhan ng nasa 18 pulgada ng yelo ang Hudson River.
Sinuspendi na rin ni Rhode Island Governor Gina Raimondo ang coronavirus test scheduling.
Pinakiusapan naman ni Penssylvania Gov. Tom Wolf ang kaniyang mamamayan na maghanda.