-- Advertisements --

Hinamon ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang IATF na kasuhan ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasunod nang pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach sa Manila Bay.

Bagama’t ang Manila Bay ay matatagpuan sa kanilang lungsod, sinabi ni Moreno na ang hursidiksyon sa dolomite beach ay nasa DENR dahil na rin sa ongoing rehabilitation project ng kagawaran sa lugar.

Iginiit ng alkalde na dapat nasusunod ang due dilligence lalo na sa mga events katulad na ito, tulad nang overcrowding sa dolomite beach, na maaring magsilbing superspreader sa harap ng pandemya.

Patutsada pa ni Moreno, pinapahirapan ang taumbayan pero ang unang naglalabag sa mga health at safety protocols ay ang mga nasa national government din naman.

Noong Linggo, napaulat na aabot sa mahigit 4,000 indibidwal ang nagtungo sa dolomite beach.