-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Kasabay ng pagdiriwang ng mga muslim ng Eid al-Adha sa Kingdom fo Saudi Arabia ay nabigyan ang mga OFW’s doon ng mga tulong at may apat na araw pa silang day-off na ibinigay kanilang mga employer.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Gerry Layco, OFW sa Saudi Arabia, sinabi niya na masaya ng mga OFW doon dahil mayroon silang apat na araw na makapagpahinga.

Bukod sa day-off ay nabigyan din si Ginoong Layco ng Hadiya o regalo galing sa kaniyang amo.

Aniya marami ang natutuwa dahil may mga nagbibigay ng pagkain, tubig at pera at kasama rin ang ilan sa mga OFWs na nagpapamahagi nito sa mga kapus palad doon.

Aniya, malaki ang naging epekto ng pandemya sa pagdiriwang ng mga muslim dahil nalimitahan ang mga dati nilang ginagawa.

Ipinagbabawal pa rin ang mass gathering kaya sa kani-kanilang mga bahay na lamang nagdiriwang ang mga muslim para makaiwas sa COVID 19.