-- Advertisements --

Mga negosyante sa Iloilo, mag-aapela sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) laban sa minimum wage hike sa mga manggagawa sa Western Visayas

Mag-aapela ang Iloilo Business Club sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) kasunod ng approved minimum wage increase sa mga manggagawa sa Western Visayas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty Eunice Guadalope, Executive Director ng IBC, sinabi nito na hindi ito ang tamang panahon lalo na para sa micro, small and medium enterprises na hindi pa nakakabangon mula sa Covid-19 pandemic.

Ayon kay Guadalope, kung ipapatupad na ang wage increase, maaaring mag-shut down o isuspinde ang kanilang operasyon o magbawas ng workers.

Sa wage order, nasa P55 to P110 per day ang increase para sa minimum wage earners habang may P500 monthly salary hike para sa domestic helpers sa rehiyon.

Inaasahang ipapatupad na ang wage hike para sa private sector workers sa rehiyon sa unang linggo ng Hunyo ngayong taon.