-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umaasa ang naulilang pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre na hindi sila bibiguin ng bagong Chief Justice Diosdado Peralta sa pagkamit ng hustisya.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Justice Now Movement Pres. Emily Lopez na sa nakalipas na 10 taon ay ilang pangko na ang binitiwan sa kanila ng mga opisyal.

Bagamat napako umano ang ilan sa mga ito ay hindi sila nawawala ng pag-asa na tuluyang masi-sintensyahan ang prime suspect na si dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan.

Umaasa ang hanay ng mga naulila na ilalabas na ang desisyon sa mga kasong isinampa laban sa dating opisyal na sangkot.

Nagpahayag naman ng pagka-dismaya ang grupo sa desisyong pumayag na makalaya si Ampatuan para magpagamot.