Target ng militar na mahuli ang anim na Abu Sayyaf member na nagtatago sa lalawigan ng Bohol sa susunod na tatlong araw.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana na kapag hindi pa rin natunton ng mga otoridad ang mga bandido sa loob ng panahong ito, malamang aniya ay tuluyan nang nakatakas ang mga ito.

Kaya puspusan sa ngayon ang ginagawang pagtugis ng mga pwersa ng militar at pulis sa paggalugad sa buong isla ng Bohol.

Kumpyansa naman si Lorenza na mahuhuli ang mga bandido ng militar at PNP.

Sinabi naman ni PRO-7 Director PCSupt Noli Talino na may lead na sila ngayon kaya doble kayod sila ngayon kasama ang mga sundalo sa paghahanap sa mga bandido.

Samantala tumanggi naman si Talino na idetalye ang impormasyon na kanilang nakuha.

Kahapon ay binigyan ng security briefing ng mga opisyal ng AFP at PNP si Pangulong Rodrigo Duterte sa Bohol kaugnay ng lagay ng operasyon laban sa mga nagtatagong Abu Sayyaf.