-- Advertisements --

Nagpalipas ng magdamag sa covered court ang mga bikitma ng sunog sa lungsod ng Navotas.

Umabot sa 30 kabahayan ang natupok sa sunod na nagsimula pasado alas-4 ng hapon ng Biyernes.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa karamihan sa mga kabahayan doon ay gawa sa light materials lamang.

Naapula lamang ang sunog matapos ang mahigit na isang oras.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.