Itatapon na lang ang mga nakumpiskang bag ng dilaw na sibuyas na walang phytosanitary permit.
Ito’y matapos makitaan ng ahensya ng panganib ang mga nakolektang sibuyas sa kalusugan.
Ayon sa Bureau of Plant industry on- going na ang testing ng mga smuggled na sibuyas kung may kasamang contaminants ‘yung mga naconfiscate sa Tondo Manila.
Matatandaan na nakakuha ang Bureau of Plant and industry kasama ng Bureau of Customs, Department of Agriculture, Philippine National Police at Coast guard ng humigit- kumulang sa 1,037 na sako ng dilaw na sibuyas
Tinatayang nasa P 1.9 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang gamit ng Bureau of Customs at Philippine National Police.
Ang market value ng mga sibuyas gayunpaman, sabi ng Bureau of Plant Industry ay nasa humigit-kumulang P 3.9 milyon.
Sa bilang, 944 na bag ay nagkakahalaga ng P 4000 bawat isa habang 93 sako ay nagkakahalaga naman ng P 1,800.