-- Advertisements --

Hindi umano ligtas ang mga kongresista at mga senador sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang korupsyon sa lahat ng tanggapan ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mandato ng DOJ na imbestigahan ang lahat kahit ang mga nasa lehislatura.

Bagama’t mayroon umanong immunity ang mga mambabatas, hindi naman kasama rito ang paglabag sa anti-graft laws.

“Alam niyo po ang mandato po ng DOJ, sang ayonsa batas na nabuo ng National Prosecutors Office is to investigate everyone. Pero meron din po tayong mga immunities na ineenjoy ang ating mga elected members of Congress and the Senate pero it is not for violating anti-graft laws,” ani Sec. Roque.

Inihayag ni Sec. Roque na kahit hiwalay na sangay ang lehislatura sa sangay ng ehekutibo, wala namang hiwalay na ahensya ng gobyerno ang nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa korupsyon.

“So kasama po ang lahat ng mga public officers despite the separation of powers dahil wala naman pong seperate na ahensya na nag-iinvestigate ng korapsyon sa Kongrespo mismo. ‘Yan po ay kapangyarihan mismo ng ehekutibo, to implement all laws kahit sino pa man sila,” dagdag ni Sec. Roque.