-- Advertisements --
Inalerto ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang publiko sa paglalayag sa eastern seaboard ng ating bansa.
Posible kasing ngayong araw bumagsak ang debris ng South Korean rocket at maaaring sa naturang parte ng karagatan ang magiging direksyon nito.
Tinatayang mangyayari ang pagkahulog ng mga bahagi ng rocket sa pagitan ng alas-2:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.
Sakop ng babala ang mga nasa Cagayan valley hanggang Caraga region.
Pero paglilinaw ng PhilSA, maaari pang magkaroon ng mga pagbabago sa direksyon ng debris, ngunit mahalagang mag-ingat pa rin.
Sa pahayag naman ng ilang eksperto, maliit ang posibilidad na makapinsala pa ito dahil nagkapira-piraso na ang nasabing bahagi ng rocket.