Posibleng maiprokalama na ng Commission on Elections (Comelec) sa darating na Huwebes, May 26, ang mga nanalong party-list groups sa nakalipas na halalan.
Kasunod ito ng pagtatapos ng isinagawang special elections ng komisyon sa Tubaran sa Lanao del Sur.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, nakatakdang muling magtipon ang komisyon bilang National Board of Canvassers bukas, Mayo 25, dakong alas-3 ng hapon sa Philippine International Comvention Center (PICC) sa Pasay City hinggil dito.
Paliwanag niya, sakaling magkaroon man daw ng aberya sa pagta-transmit ng data mula sa lugar kung saan ginanap ang special elections ay mismong sa PICC na raw sila magsasagawa ng manual uploading ng mga boto at gayundin ang pagpo-proseso ng certificate of canvass.
Magugunita na noong nakaraang linggo dapat ang isasagawa ng Comelec ang proklamasyon ng mga nanalong party-list group, isang araw matapos ang proklamasyon naman ng mga inihalal na senador.
Ngunit ng dahil sa idineklarang failure of elections sa Tubaran, Lanao del Sur dahil sa mga insidente ng karahasan, banta, at intimidation noong mismong araw ng eleksyon noong Mayo 9 ay kinailangan muna itong ipagpaliban ng komisyon hanggang sa matapos ang special elections sa nasabing apektadong lugar.