-- Advertisements --

Mga namatay dahil sa malakas na pag-ulan at pagbaha, pumalo na sa 10 – National Disaster Risk Reduction and Management Council (loop: baha loop sa Visayas at Mindanao)

Pumalo na raw sa 10 ang bilang ng mga namatay dahil sa malakas na ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng bansa ngayong taon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, lima sa mga namatay ay mula sa Bicol, apat sa Northern Mindanao at 1 isa sa Davao Region.

Sinabi naman ni Office of Civil Defense Joint Information Office head Diego Agustin Mariano na dalawang katao ang nanatiling nawawala at apat naman ang napaulat na sugatan.

Dahil naman sa mga naranasang pag-ulan at pagbaha, apektado ngayon ang 106,000 families o 438,000 individuals.

Sa naturang figure, nasa 2,000 pamilya o 8,000 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation centers o naninirahan sa kanilang mga kamag-anak.

Ang pinsala sa agrikultura ay tinatayang papalo na sa P142 million habang ang damage naman sa infrastructure at umakyat na sa P165 million.

Kung maalala, noon pang Pasko nagsimula ang pag-ulan.