-- Advertisements --

CEBU CITY-Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng mga sakop ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-7 kasunod ng pagkaaresto ng dalawang indibidwal na nagbebenta ng pampasabog noong Linggo, Oktubre 9, sa isinagawang operasyon sa Barangay Mambaling nitong lungsod ng Cebu.

Kinilala ang mga naaresto na sina Elmer Gravador Santos, 60 anyos, at Ernesto Sorilla Garcia, 48 anyos kapwa tubong Luzon ngunit pansamantalang naninirahan sa Talisay City.

Narekober mula sa posisyon ng mga ito ang 75 bundle ng detonating cords na may blasting caps, gayundin ang 26 na piraso ng TNT chargers.

Ito na ang ikatlong pagtatakang operasyon ng pulisya laban sa mga suspek matapos ang higit isang buwan na surveillance activities.

Iginiit pa ng mga naaresto na ginagamit nila ang mga ito sa pangingisda.

Inihayag naman ni Police Col. Peter Tagtag Jr., hepe ng CIDG-7, na ang mga explosive devices na nakumpiska ay may kaparehong disenyo pa umano sa mga bombang ginagamit ng mga Communist Terrorist Groups (CTG).

Nahaharap naman ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9516 o illegal possession, manufacture, dealing in, acquisition o disposition of firearms, ammunition or explosives, na isang non-bailable offense.