-- Advertisements --
image 433

Nakinabang ang kabuuang 26,000 rice sellers sa ibat ibang bahagi ng bansa sa pag-roll out ng cash assistance sa kanila, kasunod ng naunang implementasyon ng price cap.

Maalalang ipinatupad ng price cap sa kautusan na rin ni PBBM, dahil sa napakataas na presyuhan ng bigas noong buwan ng Agosto.

Setyembre 5, 2023 nang ipatupad ito at nagtuloy-tuloy hanggang sa unang linggo ng Oktobre.

Sa pagtatapos ng pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development(DSWD) ng mga tulong pinansyal, umabot sa kabuuang 26,266 rice retailers at sari-sari store owners ang nabigyan ng one-time government cash assistance na P15,000. 00

Una itong nagsimula noong Setyembre-9 at nagtuloy-tuloy pa rin matapos ang pagtanggal ni PBBM sa naturang price control.

Ayon sa DSWD, ang mga nabigyan ng tulong pinansyal ay yaong mga retailers at store owners na nakapag-comply sa presyuhan na itinatakda ng price cap: P45.00 kada kilo para sa well milled rice habang P41.00 kada kilo para sa regular milled na bigas.