Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na madadagdagan pa ang bilang ng mga employers na magbibigay na ng 13th month pay ngayong taon.
Sinabi ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, kasunod na rin ito ng compliance ng mga employers na nagbigay ng 13th month pay noong 2021 na umabot sa 95 percent.
Una nang sinabi ni Laguesma na hindi sila exempted sa pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado ang mga micro, small and medium enterprises.
Una nang hinikayat ng DOLE ang mga maliliit na negosyante na mag-avail ng 3th Month Pay Loan Facility na inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) noong nakaraang taon.
Sinabi ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma na ang 13th Month Pay Loan Facility ay mayroon namang zero interest at para ito sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Aniya, mula sa dating P12,000 na loan para sa isang empleyado ay itinaas na ito sa P15,000.
Pero ang isang kumpanya raw ay makakapag-avail lamang para sa kanilang 40 empleyado para mabigyan ang mga ito ng 13th month pay.
Kung maalala, dahil na rin sa pandemya na dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay nahirapan ang mga maliliit na negosyong magbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Pero nagpaalala naman si Laguesma sa mga micro, small and medium enterprises na hindi sila exempted sa pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.