-- Advertisements --
Pumalo na ngayon sa 10, 451 ang mga pasyenteng gumaling mula sa sakit na coronavirus disease(COVID-19) sa buong Central Visayas base sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon, August 6.
Sa 16,876 na kabuuang bilang ng kaso sa rehiyon, 918 nito ang naitalang namatay.
Samantala, umabot na sa 5,992 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa Cebu City habang 535 na ang mga namatay.
Maliban pa, umabot na sa 2,030 ang total cases sa Mandaue City ; 1,195 sa Lapu-lapu City; Probinsiya ng Cebu, 1,951; Negros Oriental, 109; Bohol, 102; at isa sa Siquijor.
Sa 5,507na mga aktibong kaso, 1,507 nito ay naka-admit habang 4,000 ang mga naka isolate.