-- Advertisements --
Nagsagawa ng clearing operations ang mga kawanin ng Manila Internationa Airport Authority (MIAA) at mga opisyal ng Pasay sa mga kalsada patungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.
Pinaalis nila ng mga iligal na nakaparada sa lugar para maging maluwag ang mga daanan ng mga magtutungo sa paliparan.
Aabot sa limang e-trikes at isang delivery trucks ang kanilang natikitan dahil sa iligal na pagparada.
Pagtitiyak ng MIAA na tuloy-tuloy ang kanilang gagawing clearing operations sa lugar para maging maluwag sa trapiko ang mga kalsada patungo sa mga paliparan.