-- Advertisements --
DOH

Naitala ng Department of Health ang lalo pang pagtaas ng mga Influenza-like Illness (ILI) sa buong bansa.

Batay sa naging monitoring ng DOH, umaabot na sa 151,375 na kaso ng Influenza-like Illness sa buong bansa, sa kabuuan lamang ng Oktobre.

Ayon sa DOH, ito ay katumbas ng 45% na pagtaas kumpara sa naitala noong nakalipas na taon sa kaparehong period.

Noong nakalipas na taon kasi ay umabot lamang sa 104,613 na kaso.

Maliban dito, mas mataas din ng 26% ang mga kasong naitala ngayong Oktobre kumpara sa mga naitala noong nakalipas na buwan.

Paliwanag ng DOH, ang pagtaas ng kaso ay dahil na rin sa pagsisimula ng malamig na klima at manaka-nakang mga pag-ulan na nagiging sanhi ng pagkalat ng mga respiratory illness.

Posible din umano isa s amga dahilan ng pagtaas ng mga naturang sakit ay dahil sa mas malawak na surveillance ng DOH, matapos mailipat ang atensyon sa iba pang respiratory illness, mula sa dating pokus na COVID-19.

kabilang sa mga sakit na nakahanay sa Influenza-like Illness ay ang dry cough, nausea, lagnat, atbp.

Inaasahan pa rin ng DOH ang lalo pang pagtaas ng kaso ng naturang sakit.