Muling hiningi ng Medical Cannabis Society ang suporta ng Kamara para sa pagkakapasa ng Medical Cannabis Bill.
Dumulog sa Kamara ngayong araw ang grupo kasama ang mga pasyente, magulang at stakeholders, para makipagpulong kay Isabela Rep. Antonio Albano.
Si Albano ang naghain ng House Bill 279 o ang Philippine Medical Cannabis Compassionate Act ngayong 18th Congress.
Sa naturang pulong, inisa-isa ng mga nagsusulong ng panukala ang kahalagahan na maipasa ang medical marijuana para sa ilang piling karamdaman.
Nakasaad sa panukala na bigyan ng karapatan ang mga pasyente na magkaroon ng access sa ligtas, abot-kaya at available na medical marijuana.
Subalit magiging mahigpit naman ang pagbibigay ng reseta para rito na manggagaling lamang sa mga rehistradong physicians.