-- Advertisements --

Walang nahawaan si US President Joe Biden na mga empleyado ng White House na kaniyang nakasalamuha.

Ayon sa White House, na sumailalim sa COVID-19 testing ang 17 mga identified close contacts ni Biden at sila ay nagnegatibo.

Sinabi ni White House coronavirus coordinator Ashish Jha na patuloy ang pagpapagaling ng US President.

Mahigpit din na sinusunod ng 79-anyos na Pangulo ang protocols na ipinapatupad ng US Centers for Disease Control and Prevention.

Naniniwala si Jha na maaring dinapuan ng Omicron BA.5 subvariant ang US President.