Nananawagan si Albay Rep. Joey Salceda sa pamahalaan na habulin ang mga rice traders na pumapatay sa rice industry sa bansa.
Sa ambush interview sa Kamara, iginiit ni Salceda na may mga trader na inaabuso ang Rice Tariffication Law (RTL) sa pamamagitan nang pag-hoard sa mga biniling supply.
Ayon sa mambabatas, sakaling tumaas ang demand sa bigas ay saka lamang inilalabas ng mga traders na ito ang kanilang supply para manipulahin ang presyo ng bigas.
Dapat aniyang buksan ang mga warehouse ng mga rice traders na ito at busisiin din ang kanilang mga import deliveries.
Malinaw aniya na tanging ang mga rice cartel lamang ang nakikinabang sa RTL kaya naman pinakikilos ni Salceda ang Philippine Competition Commission, National Bureau of Investigation at Bureau of Internal Revenu na habulin at panagutin ang mga ito.