-- Advertisements --
Binuksan na ng Egypt ang mga malalaking mosque.
Ito ang unang pagkakataon na magsagawa ng kanilang pagdarasal ang mga mananampalataya matapos na isara ito noong Marso.
Naging mahigpit ang ipinatutupad na health protocols sa loob ng mosque gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at pagdala ng sariling prayer mats.
Umaabot na kasi sa halos 98,000 ang kumpirmadong kaso sa bansa at mayroong mahigit 5,300 naman ang nasawi.