Nilinaw ng ilang mall operators na sisitahin lamang at hindi huhulihin ang mga kabataan na mahuhuling gumagala sa loob ng mall kahit walang essential na lakad.
Ito ang tugon ng ilang establisimyento sa naging desisyon ng mga alkalde ng Metro Manila na hindi pa rin papayagan ang mga menor de edad sa loob ng mga mall.
Bukod lamang ito kung ang gagawin ng mga kabataan ay magtungo sa mga clinic o di kaya naman ay bumili ng gamot.
Ang kautusan umano ng mga mall operators at sumunod sa ipinatutupad na patakaran ng local government units (LGUs) na pagsabihan at pagbawalan ang mga menor de edad na magpunta sa mga mall.
Nagdagdag na rin ang mga ito ng health protocol officers sa mga establisimyento para tiyakin na nasusunod ang mga minimum health standard protocols.