Hinikayat ng pamunuan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga malalaking negosyante sa Middle East na mamuhunan sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas.
Ito ay sa pamamagitan ng ginanap na diyalogo sa pagitan ng mga opisyal ng Qatar at Pilipinas.
Ayon kay NEDA Sec Arsenio Balisacan, malaki ang potensyal ng energy sektos sa bahagi ng Mindanao, lalo na sa mga malalaking mamumuhunan.
Ito rin aniya ang pokus ng Marcos administration na mapaunlad sa loob ng ilang taon.
Sa katunayan, mayroong 79 na infrastracture flagship project ng administrasyong Marcos sa bahagi ng Mindanao na inaasahang magpapalakas sa sektor ng enerhiya doon, at posibleng makakatulong sa iba pang sektor.
Umaasa naman ang ahesniya na tutugon ang mga investors sa naturang panawagan.