
Inanunsyo umano ng DTI na sumang-ayon ang mga manufacturer ng basic necessities at prime commodities (BNPCs) na itigil muna ang kanilang pagtaas ng presyo.
Gayunpaman, itinanggi ng mga sardine manufacturers na naabot ang anumang kasunduan ukol sa prize freeze.
Ayon kay Canned Sardines Association of the Philippines executive director Francisco Buencamino, inanunsyo umano ng DTI na inapbruhan nito ang prize freeze ngunit wala umanong ginagawang adjustments sa presyo ng mga bilihin.
Kamakailan ay nakipagpulong si Trade Secretary Alfredo Pascual at iba pang opisyal ng DTI sa 29 na manufacturer at dalawang asosasyon ng kape, processed milk, tinapay, asin, at iba pang tauhan mula sa manufacturers ng basic commodities.
Sa panahon ng pag-uusap, ipinahayag ng mga manufacturers ang kanilang mga alalahanin tungkol sa iba’t ibang mga isyu, kabilang ang pagpapataw ng
pass-through payments.
Gayundin ang kakulangan ng lokal na supply ng mga raw materials at ang mga kinakailangan sa pagsunod ng ibang mga ahensya ng gobyerno at iba pang mga alalahanin sa regulasyon.
Una nang sinabi ng DTI na 14 na mga manufacturer ng 46 Stock Keeping Units ang humiling ng mga suggested retail price (SRP) adjustments dahil sa mataas na halaga ng mga pangunahing raw materilas, packaging materials, gasolina, at iba pang mga gastos na nakakaapekto sa produksyon ng mga mahahalagang kalakal na ito.










