-- Advertisements --
ILOILO CITY – Dumoble pa ang pangamba ng mga mangingisda na naninirahan malapit sa Bulkang Taal matapos ang panibagong oil price hike na tiyak na makaapekto sa presyo ng mga itinitindang mga isda.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Arjay Capuno, isa sa mga mangingisda sa Laurel, Batangas, sinabi nito na halos dalawang buwan na mula nang bumagsak ang presyo ng tilapia.
Aniya, mahal rin ang presyo nga patuka sa isda kung kaya’t hindi rin umano mababawi ang gastos.
Sa ngayon, limitado rin ang paggalaw ng mga mangingisda at hindi rin makakapanatili sa fish cages dahil sa sitwasyon sa bulkang taal.