
Nag-abiso ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga residente mula sa apat na munisipalidad sa Oriental Mindoro na itigil muna ang fishing activities o pamimingwit sa lugar dahil sa pagkalat ng oil spill bunsod ng lumubog na motor tanker MT Princess Empress na naglalaman ng 800,000 litro ng industrial cargo fuel.
Una ng tinukoy ang mga exclusion areas na ito sa may bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, at Bongabong kayat pinagbabawalan muna ang mga residente na magtungo sa nasabing coastline waters dahil sa posibleng delikado ito sa kalusugan.
Nagsagawa na rin ng areial surveillance sa paligid ng apektadong karagatan sa may Naujan para matukoy ang lawak ng oil spill.
Ayon sa Coast Gurd Aviation Force, mayroong naobserbahang oil spillage na tinatayang nasa dalawa hanggang tatlong kilometro ang lawak. Nagpapatuloy naman ang containment operations para mapigilan ang pagkalat ng nasabing oil spill.










