Mayroong P51,133 na kita kada taon ang nawala sa mga naninirahan sa National Capital Region (NCR) noong 2020 dahil sa epekto ng COVID-19.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) na ang nasabing halaga ay average na taunang kita ng isang residente ng NCR dahil sa pagbagsak ng gross regional domestic product (GRDP).
Base sa talaan ng PSA na ang GRDP o ang halaga ng mga bilihin at serbisyo ay bumagsak ng 10.1 percent.
Katumbas ito ng P5.6 trillion noong 2020 kumpara noong 2019 na mayroong P6.2 trillion.
Bago aniya ang COVID-19 pandemic ay tumaas ang GRDP ng NCR sa 7 percent noong 2019.
Sinabi pa ni PSA-NCR regional director Paciano Dizon na ang GRDP ng NCR noong 2020 ay bumaba base sa huling naranasan noong 2016 (P5.2 trillion) at 2017 (P5.5 trillion).
Bukod sa COVID-19 pandemic ay naging susi sa mababang GDRP ay ang pagputok ng bulkang taal noong magsisimula ang 2020 at ang pagdaan ng mga malalakas na bagyo bago matapos ang 2019.