Ikinagalit ng maraming residente sa India ang desisyon ng korte suprema na pakawalan ang tatlong suspek sa panggagahasa.
Nangyari ang krimen noong 10 taon na ang nakakalipas ng patayin matapos gahasin ng tatlong suspek sa Haryana ang 19-anyos na dalaga.
Isa ito sa kakaibang krimen na naganap sa India kung saan naaresto naman ang tatlong suspek.
Noong 2014 ng napatunayan ng korte na guilty ang mga suspek kaya pinatawan nila ang mga ito ng parusang kamatayan ng Delhi High Court.
Nitong Lunes ng baliktarin ng Indian Supreme Court ang desisyon at pinalaya ang mga suspek.
Iginiit ng tatlong huwis na walang mabigat na ebidensiyang maipakita ang kampo ng biktima.
Dahil dito ay ikinagalit ng mga magulang ng biktima ang desisyon ng korte.
Naninirahan ang 19-anyos na biktima sa Chhawla ng south-west Delhi at noong Enero 2012 ng magtrabaho ito bilang call center agent sa Gurgaon.